United Philippines - Filipino social network

Marisa Laurel

Anong wish mo para sa Pilipinas this 2008?

Question for all of you:

Ano bang best wish na hinihiling mo para sa mahal nating Pilipinas para sa year 2008?

Tags: 2008, philippines

Reply to This

Replies to This Discussion

Ang wish ko, maging number 1 ulit sa buong Asia ang Pinas this year 2008 in terms of economic growth!

Reply to This

Sana lumakas pa ng lumakas ang piso kontra sa dollars para mas maraming mabili ang mga mahihirap nating kababayan dito sa Pilipinas!

Reply to This

nope, an increase in peso power does not necessarily mean it will directly benefit the majority of poor filipinos. kasi kapag nawalan ng spending power ang mga businesses na may mga dollar investments tataasan naman nila ang cost of products. Ipapasa nila sa consumers ang nawawala sa kanila! tingnan mo, more than a year ng mataas ang piso over dollar pero instead na bumaba ang presyo ng bilihin lalong tumataas....

Reply to This

I wish that the headlines in 2008 will be dominated by great news of Filipino accomplishments in arts and sports, instead of the usual political soap operas.

Happy new year Philippines!

Reply to This

Sana meron ng matinong leader to lead our country, someone who is dedicated to make the Philippines one of the top developing countries. I wish that our fellow pinoys will choose smartly to make this happen so that the next Filipino generation will have the edge to compete anywhere and rule!

Reply to This

Ka Arnul, I have to dig deep into my tagalog-english dictionary being 20 years removed from the Philippines. Pero its refreshing to read your posts. Its like poetry when I read your malalim na tagalog. My wish for the Philippines? That no one ever forgets how beautiful our language is.

Reply to This

Sa mga Kabansa ko,

Ang resolusyon ng mga Pinoy ay huwag nawa sa diwa ng kahilingan bagkos maging lagablab ito ng pagnanasa na magsimula sa sarili ang Pagbabago ng kalunos-lunos na kalagayan ng bansa. Ang matigas na bato ng kahirapan ay maaagnas sa patuloy, masidhi, at nakatutok na tikatik na patak ng tubig. Bawat isang Pinoy ay may mahalang papel na nakalaan sa pagunlad ng lipunan. Ang mabikas na moog ng kaunlaran ay nagsimula sa isang butil ng pakikiisa. BUHAYIN NATIN ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG BAYANIHAN. Kung sama-sama lantay ang pag-asa!

Reply to This

Napakaganda ng sinabi mo Ka Arnul.. naniniwala rin akong nasa bawat isa sa ating mga Pilipino ang pinakamalaking source ng pagbabago. Bawat Pinoy, may katungkulang gumawa ng mabuti para sa kapwa, maliit man ito o malaki. Ang mahalaga, taos sa puso.

Kung ang lahat (o karamihan) ng bumabasa nito ngayon ay magsisimulang gumawa ng isang maliit na kabutihan, o sabi nga ay isang "random act of kindness" para sa iba, magiging simula ito ng magandang halimbawa na tutuluran ng marami. In the end, lahat tayo makikinabang!

Reply to This

ang wish ko na magkasundo na ang mga politician at magtulungan para sa ikaunlad ng ating bansa.

Reply to This

nawa ay mahiya ang mga masasamang namamahala sa ating bansa na imbes na isipin nila ang kanilang pag yaman isipin nila ang mga batang nahihirapan lumaki bilang isang matino at malusog na bata... sana din maisip nila na bawat sentimo na ginagastos nila na galing sa kasamaan ay ilang pilipino na kapwa pilipino ang kanilang pinahihirapan at pinapatay di man nila nakikita pero itoy totoong nagyayari sa bansang Pilipinas.

Ang huling kahilingan ko naway bumalik ang dating katahimikan at kaunlaran ng Pilipinas, at makilala ang Pilipino dahil sa kanilang kasipagan, disiplina, at pagiging responsableng mamayanan kahit saan man sa mundo.

Reply to This

Sana magkaron ng lider na uunahin ang Pilipinas, before ang sariling bulsa. Sana lahat ng pulis lalong magsumikap na pangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino.

Sana ipagpatuloy ng bawat Pilipino ang magandang hangarin sa isa't isa..

yun lang!

Reply to This

Lubha ngang napakasarap managinip ng maganda para sa mahal mong bansa at kung sa isang kumpas lang magagawa nawa'y ang lahat ng mga wishes nyo ay sana matupad.
Subali't ang lahat ay alam kung ano ang nararapat, bakit nga ba alam na nang lahat kung ano rin ang dapat na isagawa at ang hindi... ang masakit bakit parang me pumipigil??? O bakit ka natitigilan? Likas ba sa atin na kapag ginusto dapat mangyari kaagad? Ginusto mong tumulong minsan at yun minsan na yun nagmistulang parang bula... ang nangyari nauna ka pa sa inisip mo kaysa gawin ang ginusto mo o kung hindi man, gusto mong yakapin na ang lahat na hindi naman kaya. Hindi mo kasi nakaya... kinalimutan mo na. Naisip mo kasi na dapat tulungan mo muna ang yong sarili bago ka tumulong sa iba. Hindi mo man mapakain ang isang daan tao, sapat na ang isa na matulungan mo.

Reply to This

  • 1
  • 2

RSS

United Philippines - Filipino social network Badge

Spread the word. Get your own United Philippines - Filipino social network badge for your website or MySpace page. (Get Code)

Why is UnitedPhilippines different?

At UnitedPhilippines, we uphold UNITY & RESPONSIBILITY. We aim to unite every Philippine-loving people on all corners of the world.

With that goal, we also carry tremendous responsibility to all our community members here. This website is for the whole family. We are a kids-safe social networking site, and is not inclined to any political side. We don't tolerate racism, hate and especially -- we DO NOT allow pornography.

Unity + Responsibility = UnitedPhilippines.com

Join us, and Spread the word now!

© 2008   Created by UnitedPhilippines

Report an Issue  |  Feedback  |  Privacy  |  Terms of Service